PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PART 1: Senator Bong Revilla gives explanation for why he and wife Lani left the MMFF awards night early

The senator and Panday 2 lead star says he has an early flight to Iligan and Cagayan de Oro to help the victims of typhoon Sendong.
by Ruben Marasigan
Published Dec 29, 2011
"I have to go to Iligan and Cagayan de Oro... As I've promised babalik tayo doon," Senator Bong Revilla said before he and his wife, Bacoor Congresswoman Lani Mercado, left the MMFF awards ceremonies last night, December 28. "Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon."

Magkasabay na dumating sina Senator Bong Revilla at asawa nitong si Congresswoman Lani Mercado sa 37th Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night na ginanap kagabi, Disyembre 28, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City.

Pero hindi pa man dumarating sa kalagitnaan ang gabi ng parangal, tumayo na sa kanilang kinauupuan ang mag-asawang Revilla at agad na lumabas ng venue.

May mga nang-iintriga tuloy na tila nag-walkout sila, dahil ito yung mga sandaling sunud-sunod ang panalo ng awards ng pelikulang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story ni Laguna Governor Jorge "ER" Ejercito.

Nakalabing-isang award ang Asiong Salonga, kasama na ang award na Best Picture. (CLICK HERE to read related story.)

Pero bago pa man umalis sina Senator Bong at Congresswoman Lani ay nakausap na ang mga ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dito ay nagpasabi silang hindi na nila matatapos ang gabi ng parangal dahil sa maagang lakad kinabukasan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May flight kasi ako ng six in the morning," sabi ng senador sa PEP.

"I have to go to Iligan and Cagayan de Oro."

Kuwento ni Senator Bong, kagagaling lang daw niya sa Cagayan de Oro para magbigay ng tulong sa mga nasalanta roon ng bagyong Sendong.

"As I've promised, babalik tayo doon," aniya. "Tomorrow [Huwebes, Disyembre 29] morning, I'll be there.

"Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon."

Masayang pagbabalita pa ng bida ng MMFF entry na Panday 2, "Marami tayong mga kaibigan na sumuporta at kasama natin sa pagbibigay ng tulong."

Gusto rin daw sanang sumama ni Congresswoman Lani Mercado sa Cagayan de Oro.

Kaya lang ay naghahabol daw ito sa taping ng Amaya, ang malapit nang matapos na epicserye ng GMA-7.

Ginagampanan ng Bacoor congresswoman ang papel na Dal'lang, ang ina ni Amaya, na ginagampanan naman ni Marian Rivera.

HOW WAS THEIR CHRISTMAS? Kinumusta ng PEP ang Pasko ng mga Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Maayos naman ang Pasko namin," sagot ni Congresswoman Lani.

"Medyo nakakapagod lang dahil galing pa sa parade ng Metro Manila Film Festival.

"Pero nakaraos naman. Maligayang-maligaya ang Pasko namin," dagdag pa ng 43-year-old na aktres.

Nakuha ba naman nila ang inaasam na Christmas gift sa isa't isa ngayong taon?

"Basta mahalin lang ako ng asawa ko nang habambuhay. Iyon ang pinakamagandang Christmas gift para sa akin," sabay tawa ng 45-year-old na aktor.

Napangiti muna naman ang house representative ng lone district of Bacoor bago sumagot sa tanong ng PEP.

"Basta ang ipinagdasal ko talaga ay maging maganda ang turnout ng Panday 2 sa box office.

"Yung ikalawa kong wish, hindi pa sinasagot ni Lord. Kung ano 'yon... secret ko na lang.

"Personal kasi 'yon," nakangiti pang sabi niya.

PLANS FOR THE NEW YEAR. Ano naman ang plano nila sa darating na pagpapalit ng taon?

"With the whole family pa rin, of course," sagot ni Senator Bong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Yung dating tradisyon na ginagawa namin, sa loob kami ng simbahan sa paghihiwalay ng taon.

"Sa New Year, basta do'n lang kami sa church sa Cavite . Kaming buong pamilya.

"Dapat happy tayong lahat sa Bagong Taon."

Meron bang New Year's resolution ang senador?

"More time with the family. Yun!"

Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla, Lani Mercado
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I have to go to Iligan and Cagayan de Oro... As I've promised babalik tayo doon," Senator Bong Revilla said before he and his wife, Bacoor Congresswoman Lani Mercado, left the MMFF awards ceremonies last night, December 28. "Marami tayong dinala at dadalhin pang mga tulong sa mga kababayan natin doon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results